Brochure : Bon d'études canadien
Ngayon at Kinabukasan
Kahusayan sa Lahat ng ating GaGawin
CANADA LEARNING BOND Tumanggap ng $500 para sa Kinabukasan ng Anak

Bilang magulang, ginagawa mo ang pinakamabuti upang tulungan ang iyong anak na magtagumpay. Maaring nagsisimula ka nang mag-isip para sa edukasyon ng iyong anak pagkatapos ng mataas na paaralan. Ang Pamahalaan ng Kanada ay tutulong sa iyo na mag-impok sa RESP/REEE.
Ano ang Canada Learning Bond?
Ang Canada Learning Bond [Canada Learning Bond (CLB) / Bon d'etudes canadien (BEC)] ay $500 ina-alok ng Pamahalaan ng Kanada upang tumulong na magsimula sa pag-impok para sa pag-aaral ng iyong anak pagkatapos ng mataas na paaralan/. Sa karagdagan, ang iyong anak ay mayroon makukuhang $100 bawat taon hanggang sa gulang na 15 anyos na hindi hihigit sa $2,000!
Ang salaping ito ay magagamit na makabayad para sa buong-oras o bahaging oras na pag-aaral sa:
- programa sa pagsasanay;
- CEGEPs/cégeps;
- kolehiyo
- paaralang pangangalakal; o kaya
- unibersidad
Karapat-dapat ba ang aking anak para sa Canada Learning Bond?
Maaring piliin ang iyong anak na tumanggap ng Canada Learning Bond kung siya ay:
- Ipinaganak makalipas ang Disyembre 31, 2003 at
- tumanggap ka ng Pambansang Pambatang Suplementong Benipesyo [National Child Benefit Supplement / Supplement de la Prestation nationale pour enfants] sa ilalim ng Pambatang Buwis na Benepisyo ng Kanada [Canada Child Tax Benefit / Prestation fiscale canadienne pour enfants] (karaniwang nakilala bilang sustento sa pamilya) [family allowance / allocation familiale].

Ang pera sa Canada Learning Bond ay maka-apekto ba sa ibang benipesyo na aking matatanggap mula sa Pamahalaan ng Kanada?
Ang Canada Learning Bond at ang Canada Education Savings Grant ay hindi maka-apekto sa ibang benipesyo mula sa Pamahalaan ng Kanada.
Ano ang Registered Education Savings Plan?
Ang Registered Education Savings Plan ay isang tanging tuos pag-impok na nakarehistro sa Pamahalaan ng Kanada. Tumutulong sa iyo, sa iyong pamilya o kaibigan na mag-impok ng salapi para sa edukasyon ng iyong anak pagkatapos ng mataas na paaralan.
Ang Canada Learning Bond ay maari lamang ideposito sa tuos na Registered Education Savings Plan, at hindi na kailangan maglagay ng sarili mong pera upang matanggap ito.
Maari kang magbukas ng Registered Education Savings plan sa isang samahang pananalapi, gaya ng bangko o credit union, sa isang sertipikadong tagapagplano sa pananalapi o sa grupong nakikitungo sa plano. Ang mga samahang ito, tagapagplano at nakikitungo ay tinatawag na 'Registered Education Savings Plan providers (RESP provider / fournisseur de REEE)'.
Bakit ako dapat na mag-impok para edukasyon ng aking anak?
May benepisyo ang mag-impok! Sa pamamagitan ng Registered Education Savings Plan, maari mong tulungan ang iyong anak na maging katotohanan ang kanilang pinapangarap. Ang mag-impok ng isang dolyar kada isang araw ay makitang may kaibahan.
Ang madagdag sa iyong Registered Education Savings Plan na naambag, maari kang tumanggap ng:
- Canada Learning Bond at /o kaya
- Canada Education Savings Grant
Ano ang Canada Education Savings Grant?
Ang Canada Education Savings Grant [Canada Education Savings Grant / Subvention canadienne pour l'epargne-etudes] ay salapi na ideposito ng Pamahalaan ng Kanada sa Registered Education Savings Plan ng iyong anak. Ang halaga ay maaring umabot ng $600 kada taon, depende kung magkano ang iyong na-ambag sa Registered Education Savings Plan ng iyong anak at netong kinikita ng pamilya.
Paano ako magbubukas ng Registered Education Savings Plan at tumanggap ng kaloob buhat sa Pamahalaan ng Kanada?
Hakbang 1- Kumuha ng Social Insurance Number (SIN) [Social Insurance Number (SIN) / Numero d'assurance sociale (NAS)] para sa iyong anak. Ito ay libre.Tumawag sa 1 800-0-Canada (1-800-622-6232) para sa karagdagang impormasyon o bumisita sa Service Canada Centre [Service Canada Centre / Centre service Canada] na malapit sa iyo.
Hakbang 2- Komontak sa tagapagbigay ng Registered Education Savings Plan na iyong napili upang magbukas ng Registered Education Savings Plan.
Piliin ang Registered Education Savings Plan at tagapagbigay ng Registered Education Savings Plan na pinaka-angkop ayon sa iyong pangangailangan at magtanong:
- kung sila ay nag-aalok ng Canada Learning Bond at ang Additional Canada Education Savings Grants;
- anong uring Registered Education Savings Plan ang kanilang ina-alok (pangpamilya, pang-isahan o grupo) at ang bentahe at peligro ng bawat isa;
- ano ang pamumuhunanang produkto na ina-alok nila at ang bentahe at peligrosa bawat isa; at
- ano ang kabayaran sa kanilang administrasyon at mga multa.
Bumisita sa CanLearn.ca (Inglis) o kaya Cibletudes.ca (Pranse) upang kumuha ng listahan ng mga katanungan na dapat mong itanong sa iyong tagapagbigay ng Registered Education Savings Plan. (RESP provider / fournisseur de REEE).
Hakbang 3- Magbukas ng Registered Education Savings Plan at kompletohin ang porma ng aplikasyon ng Basic at Additional Canada Education Savings Grant at ang Canada Learning Bond sa tulong ng iyong tagapagbigay sa Registered Education Savings Plan.
Saan ako kukuha ng tulong o karagdagan impormasyon? (Inglis o Pranse lamang)
1 800 O-Canada (1-800-622-6232)
TTY/ATS: 1-800-926-9105
CanLearn.ca (Inglis) o kaya Cibletudes.ca (Pranse) A Service Canada Centre near you
Serbisyo sa Inglis o Pranse
Maari kang humingi ng publikasyong ito sa pamagitan ng pagkontak sa:
Publishing Services
Human Resources and Skills Development Canada
Publishing Services/Services des publications
Human Resources and Skills Development Canada / Ressources humaines et Developpement des competences Canada
140 Promenade du Portage
Portage IV, 12eétage
Gatineau, Québec
K1A 0J9
Fax: 819-953-7260
Online: http://www12.hrsdc.gc.ca (Inglis) o kaya sa http://www12.rhdc.gc.ca (Pranse)
Ang dokumentong ito ay maaring hilingin sa ibang porma (malaking letra, Braille (basahang bulag, audio cassette, audio CD, e-text diskette, e-text CD o DAISY) tumawag sa 1 800 O-Canada (1-800-622-6232). Kung gumagamit ng isang teletypewriter (TTY/ATS), tumawag sa 1-800-926-9105.
© Her Majesty the Queen in Right of Canada, 2011
Nakasulat na salaysay (Inglis at Pranse)
Cat. No.: HS28-19/2011
ISBN: 978-1-100-52668-3
Canada Post: 803803 (11-01)
PDF (Inglis)
Cat. No.: HS28-19/2011E-PDF
ISBN: 978-1-100-17545-4
PDF (Pranse)
Nº de cat. : HS28-19/2011F-PDF
ISBN : 978-1-100-96308-2