Brochure: Bon d’études canadien
Pour commander un exemplaire gratuit, visitez un Centre Service Canada près de chez vous ou veuillez envoyer une télécopie aux Services de publications (819 953-7260).
NG $500 PARA SA PAG-ARAL NG IYONG ANAK PAGKATAPOS NG HIGH SCHOOL
KUMUHA
LC-010-08-08
Ang Pondo sa Pag-aaralan Canada (BEC) ay bigay na $500 galing sa Pamahalaan ng Canada para makatulong sa iyo na makapagsimula ng maaga mag-impok para sa pag-aaral ng iyong anak pagkatapos ng mataas na paaralan/high school.
Itong perang ito ay maaaring magamit para ibayad sa buong oras o bahaging oras na pag-aaral sa isang palatuntunang pagsasanay, pangkalakal na paaralan, CEGEP, kolehiyo o pamantasan.
SINO ANG MAKAKAKUHA NG KALOOB SA PAG-AARALAN CANADA?
Upang tumuloy na mag-impok para sa pag-aral ng iyong anak pagkatapos ng high school, ang iyong anak ay maaaring makakuha ng $500 Kaloob sa Pag-aaralan Canada at ang karagdagang $100 bawa’t taon hanggang sa gulang na 15.
- Kung ang iyong anak ay ipinanganak makalipas ang Disyembre 31, 2003,
AT
Kung ikaw ay nakuha ng Pambansang Pambatang Karagdagang Kapakinabangan na kabahagi ng Pambatang Kapakinabangang Buwis (na karaniwang kilala na “family allowance”). Ito ay karaniwang ginagamit sa mga pamilya na ang netong kita ay $37,885 o mas kaunti.
Ang pinakitang kinita ay para sa 2008. Itong netong kita ng pamilya ay binabago bawa’t taon.
Ang iyong anak ay maaari ring makakuha ng dagdag na $100 bawa’t taon hanggang sa gulang na 15, hangga’t ikaw ay patuloy na nakatatanggap ng Pambansang Pambatang Karagdagang Kapakinabangan.
Sa paglipas ng panahon, ang Pondo sa Pagaaralan Canada ay maaaring makadagdag hanggang $2,000 sa kaloob na pera (dagdag ang tubo) para sa pag-aaral ng iyong anak pagkatapos ng mataas na paaralan.
PAANO KO MAKUKUHA ANG PONDO SA PAG-AARALAN CANADA?
Sa 2 madaling mga hakbang:
- Kumuha ng Numero Seguro Social (SIN) para sa iyong anak---kahit isang sanggol ay makakukuha! Walang bayad para kumuha, ngunit may mga dokumentong kailangan, tulad ng katunayan sa kapanganakan. Makipag-alam 1 800 O-Canada para sa karagdagang kaalaman o pumunta sa Sentro ng Paglilingkod Canada na malapit sa iyo.
- Magbukas ng panagutang Nakalistang Plano sa Pag-iimpok sa Edukasyon (REEE). Maaari kang makapagbukas ng panagutan sa REEE sa pamamagitan ng isang bahay pananalapi, tulad ng isang bangko o unyon ng pautangan, o sa pamamagitan ng tunay na nagpaplano sa pananalapi o isang tagapagbili na lupon na plano.
Ang Kasunduan sa Pag-aaralan Canada ay tuwirang ilalagak sa REEE ng iyong anak.
ANO ANG ISANG REGISTERED EDUCATION SAVINGS PLAN?
Ang REEE ai isang katangi-tanging panagutan na nakalistang pag-iimpok kasama ang Pamahalaan ng Canada para tumulong sa iyo, iyong pamilya o mga kaibigan na mag-impok ng maaga para sa pag-aaral ng iyong pagkatapos ng mataas na paaralan.
Ang pera sa REEE ay ipupuhunan para ito ay lumago at kumita ng tubo.
Hindi ka bubuwisan doon sa tubo at ang iyong anak ay karaniwan makukuha ang pera na walang buwis.
Maghanap ng isang nagbibigay ng REEE na tugma sa iyong panga-ngailangan.
MAYROON BANG BAYAD PARA MAGBUKAS NG REEE?
Ang ilang mga bahay pananalapi, ikaw ay makapagbubukas ng akawnt sa REEE na walang bayad; ang iba ay may mga bayad.
Ang unang kabayaran ng Pondo sa Pagaaralan Canada ay kasama ang karagdagang $25 para makatulong na masagot ang anumang gastusin sa pagbubukas sa REEE akawnt. Siguruhin na tumingin sa paligid para makakita ng tagapagbigay ng REEE na pinakamabuting matagpuan ang iyong mga pangangailangan.
AKO BA AY MAGLALAGAY NG PERA DOON SA REEE PARA MAKUHA ANG PONDO SA PAG-AARALAN?
Hindi. Kahit hindi ka maglagay ngayon na ng sarili mong pera sa loob ng REEE, ang Pamahalaan ng Canada ay ilalagak pa rin ang $500 na Pondo sa Pag-aaralan sa loob ng REEE akawnt na iyong binuksan.
Ikaw, ang iyong pamilya o mga kaibigan ay maaari ring maglagay ng pera sa REEE ng iyong anak. Maari ka ring makapagbigay ng maliit o ng malaki nasa iyong kagustuhan, kung kalian mo gusto.
Alin mang pera na ikaw, iyong pamilya o mga kaibigan nailagay sa loob ng REEE ay maaari pa rin sa Kaloob sa Pag-iimpok sa Edukasyon Canada. Ang Kaloob sa Pagiimpok sa Edukasyon Canada ay maaaring makadagdag hanggang $200 sa unang $500 na iyong na-impok bawa’t taon at hanggang $400 sa susunod na $2,000.
Kahit ang pag-iimpok na $5 bawat linggo ay makakagawa ng pagkakaiba, lalo pa at ang Kaloob sa Pag-iimpok sa Edukasyon Canada ay mapadagdag. Iyong perang iyon ay kikita pa ng tubo sa katagalan.
Sa lalong madaling panahon na ikaw ay makapag-impok, ay lalagong lalo ang iyong na-iimpok.
AKO BA AY MABUBUWISAN DOON SA PERANG INILAGAY NG PAMAHALAAN NG CANADA SA LOOB NG REEE NG AKING ANAK?
Hindi. Hindi ka mabubuwisan doon sa perang idinagdag ng Pamahalaan ng Canada sa REEE ng iyong anak.
ANG KALOOB BANG PERA AY MAKASASAMA SA IBANG KAPAKINABANGAN AKING NATATANGGAP SA PAMAHALAAN NG CANADA?
Hindi, Ang Pondo sa Pag-aaralan Canada at ang Kaloob sa Pag-iimpok sa Edukasyon Canada ay hindi makasasama sa ibang Pamahalaan ng Canada na mga kapakinabangan.
ANO ANG MANGYAYARI KUNG ANG AKING ANAK AY HINDI MAGPATULOY NG PAG-AARAL PAGKATAPOS NG MATAAS NA PAARALAN?
Ang REEE ay maaaring manatiling bukas hanggang 36 na taon. Kung ang iyong anak ay hindi magpatuloy ng pag-aaral pagkatapos na pagkatapos ng mataas na paaralan, ang pera ay maaaring magamit kung ang iyong anak ay bumalik sa paaralan sa bandang huli.
Kung ang pera ay hindi magamit pagkalipas ng 36 taon na nabuksan ang REEE, ang perang iyong na-impok ay babalik sa iyo, at ang Kaloob sa Pag-iimpok sa Edukasyon Canada ay maaaring magamit ng kapatid na lalaki o kapatid na babae sa pag-aaral. Kung hindi, ito ay isasauli sa Pamahalaan ng Canada. Ang Pondo sa Pag-aaralan Canada ay ibabalik sa Pamahalaan ng Canada.
Ang iyong pera ay maaari ring makuha kahit anong oras Itanong sa iyong tagapagbigay ng REEE sa mga bagay-bagay.
PAANO AKO MAKAKAKUHA NG TULONG O KARAGDAGANG KAALAMAN?
- Tumawag sa walang bayad sa 1 800 O-Canada (1-800-622-6232) para sa karagdagang kaalaman at pahayagan sa Kaloob sa Pag-iimpok sa Edukasyon Canada at REEE.
- Puntahan ang Sentro ng Paglilingkod Canada na malapit sa iyo.
- Para sa karagdagang kaalaman o para sa mga talaan ng mga tagapagbigay ng REEE, puntahan www.cibletudes.ca.
- Kung gagamit ka ng TTY, tumawag sa 1-800-926-9105.
Itong dokumento ay maaring hilingin sa ibang porma katulad ng Large Print,Braille,Audio Cassette, CD,DAISY, at Computer Diskette.Tumawag sa 1 800 O-Canada (1-800-622-6232) para humiling ng iyong kopya.
Maari ring matamo sa ibang mga salita/wika sa www.cibletudes.ca.
Maaari kang magbilin ng karagdagang mga kopya ng pahayagang ito, isinasaad ang numero na LC-010-08-08, mula sa :
Services des publications
Ressources humaines et Développement social Canada
140, Promenade du Portage
Place du Portage, Phase IV, 12e étage
Gatineau, (Québec)
K1A 0J9
Télécopieur : 819-953-7260
Courriel : publications@hrsdc-rhdsc.gc.ca
Takip pahina at pahina 5 na mga larawan ni Burch Photographics.
@ Her Majesty the Queen in Right of Canada 2008
Kat.num: HS28-19/2008
ISBN 978-0-662-05876-2
Inilimbag sa Canada