Brochure : REEE
Ngayon at Kinabukasan
Kahusayan sa Lahat ng Ating Gagawin
Registered Education Savings Plan: Planohin ang pag-impok para sa edukasyon ng iyong anak.

Ini-isip mo ba na ang iyong anak ay magpapatuloy sa kanilang edukasyon pagkatapos ng mataas na paaralan. Ang Pamahalaan ng Kanada ay makakatulong sa iyo na mag-impok para sa kinabukasan ng iyong anak sa pamamagitan ng Registered Education Savings Plan.
Ano ang Registered Education Savings Plan?
Ang Registered Education Savings Plan (RESP/REEE) ay isang tuos sa pag-impok sa edukasyon na rehistrado sa Pamahalaan ng Kanada. Makakatulong ito sa iyo, sa iyong pamilya o iyong mga kaibigan na magtabi ng pera para sa edukasyon ng iyong anak pagkatapos ng mataas na paaralan.
Maari kang magbukas ng Registered Education Savings Plan sa isang samahan ng pananalapi, tulad ng bangko, kapisanang kredito, o sa pamamagitan ng isang sertipikadong tagapagplano sa pananalapi o grupong nakikitungo sa plano. Ang mga samahang ito, tagapagplano at nakikitungo ay nakilala bilang tagapagbigay ng [RESP provider / fournisseur de REEE].
Bakit ako dapat mag-impok para sa edukasyon ng aking anak?
May benepisyo ang mag-impok! Sa pamamagitan ng Registered Education Savings Plan, maari mong tulungan ang iyong anak na maging katotohanan ang kanilang pinapangarap. Ang mag-impok ng isang dolyar kada isang araw ay makitang may kaibahan.
Ang madagdag sa iyong Registered Education Savings Plan na naambag, maari kang tumanggap ng :
- Canada Learning Bond at /o kaya
- Canada Education Savings Grant.
Ano ang Canada Learning Bond?
Ang Canada Learning Bond [Canada Learning Bond / Bon d'études canadien] ay $500 na alok ng Pamahalaan ng Kanada para tumulong sa iyo na magsimulang mag-impok ngayon para sa edukasyon ng iyong anak pagkatapos ng mataas na paaralan. Karagdagan, ang iyong anak ay makakuha ng $100 taon-taon hanggang siya ay umabot ng 15 anyos na pinakamahigit ng $2,000!
Ang iyong anak ay maaring karapat-dapat para sa Canada Learning Bond kung :
- siya ay pinanganak pagkatapos ng Disyembre 31, 2003; at
- tumanggap ka ng Pambansang Pambatang Suplementong Benipesyo [National Child Benefit Supplement / Supplément de la Prestation nationale pour enfants] sa ilalim ng Pambatang Buwis na Benepisyo ng Kanada [Canada Child Tax Benefit / Prestation fiscale canadienne pour enfants] (karaniwang nakilala bilang sustento sa pamilya [family allowance / allocation familiale]).

Ano ang Canada Education Savings Grant?
Ang Canada Education Savings Grant [Canada Education Savings Grant / subvention canadienne pour l'épargne-études] ay salaping dinadagdag ng Pamahalaan ng Kanada sa iyong Registered Education Savings Plan savings. Ang tulong na ito ay mayroon dalawang bahagi:
1. Basic Canada Education Savings Grant
[Basic Canada Education Savings Grant / Subvention canadienne pour l'épargne-études de base]
Kahit gaano kalaki ang kinikita ng iyong pamilya, ang Basic Canada Education Savings Grant ay magbibigay ng 20% sa bawat dolyar sa unang $2,500 na iyong naipon sa Registered Education Savings Plan ng iyong anak bawat taon.
Ang ibig sabihin na sa bawat $10 na naipon mo sa Registered Education Savings Plan ng iyong anak, ang Pamahalaan ay dadagdag ng $2.
2.Karagdagang Canada Education Savings Grant
[Additional Canada Education Savings Grant / Subvention canadienne pour l'épargne-études supplémentaire]
Depende sa netong kinikita ng iyong pamilya, maari kang tumanggap ng dagdag na 10% o 20% sa bawat dolyar ng unang $500 na naipon mo sa Registered Education Savings Plan sa iyong anak bawat taon.
Ang ibig sabihin na sa bawat $10 na naipon mo sa Registered Education Savings Plan ng iyong anak, ang Pamahalaan ay dadagdag ng $1 o $2.
Siguruhin mag-aplay sa kapwa parte ng pagkaloob na ito.
Ang Canada Learning Bond at ang Canada Education Savings Grant ay maari lang idiposito sa isang Registered Education Savings Plan account.
Pagpili ng tamang Registered Education Savings Plan para sa iyo.
Mayroon tatlong uri ng Registered Education Savings Plans:
- Family Registered Education Savings Plan [Family RESPs / REEE familial]: Maari mong itabi ang salapi para sa isa o maraming bata na may relasyon sa iyo sa dugo o pag-ampon. Maari kang mag-impok para sa kanilang lahat sa isang pamilyang RESP.
- Individual Registered Education Savings Plans [Individual RESP / REEE individuel]: Maari kang mag-ipon para sa isang bata, kahit kamag-anak mo o hindi, magbukas ng pang-isahan na RESP.
- Group Registered Education Savings Plan [Group RESP / REEE collectif]: Ang iyong naipon ay pinagsama-sama sa ipon ng ibang tao at ang kinita ay pinaghahatian kapag oras na sa pagbayad sa eskuwelahan. Regular na pagbayad ay ayon sa tagal ng Registered Education Savings plan ay karananiwang kailangan, ngunit ang bawat plano ay mayroon sariling patakaran.
Mahalagang pag-isipang mabuti bago ka pumili ng Registered Education Savings Plan at basahin ng mabuti ang kontrata bago pumirma.
Tanungin ang tagapagbigay ng iyong Registered Education Savings Plan ang tungkol sa:
- napili mong pamuhunanan (savings account, bond; guaranteed investment certificates [GIC/CPG] mutual funds o stocks);
- ang bentahe at peligro sa bawat isang napili, dahil ang ibang produktong pamuhunanan ay sakaling mas peligro kaysa sa iba;
- ang bayad sa administrasyon; at
- multa na sakaling babayaran kung hindi mapanatili ang pagbayad o kung isarado mo ang Registered Education Savings Plan.

Paano ako magbubukas ng Registered EducationSavings Plan at tumanggap ng pagkaloob (grants) sa Pamahalaan ng Kanada?
Hakbang 1- Kumuha ng Social Insurance Number (SIN)
[Social Insurance Number (SIN) / Numéro d'assurance sociale (NAS)] para sa iyong anak. Ito ay libre. Tumawag sa 1 800 O-Canada (1-800-622-6232) para sa karagdagang impormasyon o bumisita sa Service Canada Centre [Service Canada Centre / Centre service Canada] na malapit sa iyo.
Hakbang 2- Komontak sa tagapagbigay ng Registered Education Savings Plan na iyong napili upang magbukas ng Registered Education Savings Plan.
Piliin ang Registered Education Savings Plan at tagapagbigay ng Registered Education Savings Plan na pinaka-angkop ayon sa iyong pangangailangan at magtanong:
- kung sila ay nag-aalok ng Canada Learning Bond at ang Additional Canada Education Savings Grants;
- anong uring Registered Education Savings Plan ang kanilang ina-alok (pangpamilya, pang-isahan o grupo) at ang bentahe at peligro ng bawat isa;
- ano ang pamumuhunanang produkto na ina-alok nila at ang bentahe at peligrosa bawat isa; at
- ano ang kabayaran sa kanilang administrasyon at mga multa.
Bumisita sa CanLearn.ca (Inglis) o kaya Cibletudes.ca (Pranse) upang kumuha ng listahan ng mga katanungan na dapat mong itanong sa iyong tagapagbigay ng Registered Education Savings Plan.
Hakbang 3- Magbukas ng Registered Education Savings Plan at kompletohin ang porma ng aplikasyon ng Basic at Additional Canada Education Savings Grant at ang Canada Learning Bond sa tulong ng iyong tagapagbigay sa Registered Education Savings Plan.
Saan ako kukuha ng tulong o karagdagan impormasyon? (Inglis o Pranse lamang)
Tumawag sa 1 800 0-Canada (1-800-622-6232)
TTY/ATS : 1-800-926-9105
Bumisita sa CanLearn.ca (Inglis) o kaya sa Cibletudes.ca (Pranse)
Bumisita sa Service Canada Centre [Service Canada Centre / Centre service Canada] na malapit sa iyo.

Serbisyo sa Inglis o Pranse
Maari kang humingi ng publikasyong ito sa pamagitan ng pagkontak sa:
Publishing Services
Human Resources and Skills Development Canada
Publishing Services/Services des publications
Human Resources and Skills Development
Canada/Ressources humaines et Developpement des competences Canada
140 Promenade du Portage
Portage IV, 12e étage
Gatineau, Québec
K1A 0J9
Fax: 819-953-7260
Online: http://www12.hrsdc.gc.ca (Inglis) o kaya http://www12.rhdcc.gc.ca (Pranse)
Ang dokumentong ito ay maaring hilingin sa ibang porma (malaking letra, Braille (basahang bulag) audio cassette, audio CD, e-text diskette, respe-text CD, o DAISY), tumawag sa 1 800 O-Canada (1-800-622-6232) Kung gumagamit ng teletypewriter (TTY/ATS), tumawag sa 1-800-926-9105.
© Her Majesty the Queen in Right of Canada, 2010
Nakasulat na salaysay (Inglis)
Cat. No.: HS28-22/2011
ISBN: 978-1-100-52669-0
PDF (Inglis)
Cat. No.: HS28-22/2011E-PDF
ISBN: 978-1-100-17546-1
PDF (Pranse)
Nº de cat.: HS28-22/2011F-PDF
ISBN : 978-1-100-96309-9