Épargne-études pour votre enfant

Brochure: Subvention canadienne pour l'épargne-études

Pour commander un exemplaire gratuit, visitez un Centre Service Canada près de chez vous ou veuillez envoyer une télécopie aux Services de publications (819 953-7260).

KUNIN NA NGAYON ANG PERA

PARA SA EDUKASYON NG IYONG ANAK PAGKATAPOS NG HIGH SCHOOL

LC-009-08-08

ANO ANG CANADA EDUCATION SAVINGS GRANT?

Ang Canada Education Savings Grant (CESG) ay isang grant mula sa Gobyerno ng Canada upang tulungan kang magipon para sa pag-aaral ng iyong anak pagkatapos ng high school.

Kapag nag-save ka sa Registered Education Savings Plan (RESP) ng iyong anak, ang Canada Education Savings Grant ay maaaring magdagdag nang hanggang $200 sa unang $500 na inipon mo bawat taon, at hanggang $400 sa susunod na $2,000.

Ang pinakamataas na grant habangbuhay na maaaring ibigay ng pederal na gobyerno sa iyong anak ay $7,200.

Maaaring gamitin ng iyong anak ang pera para sa full-time o part-time na pag-aaral sa apprenticeship program, trade school, CEGEP, kolehiyo, o unibersidad.

Mahigit sa tatlong milyong mga bata ang nakatanggap na ng grant na ito.

SINO ANG MAKAKAKUHA NG CANADA EDUCATION SAVINGS GRANT?

Ang lahat ng mga bata hanggang 17 taong gulang ay kwalipikadong makakuha ng Canada Education Savings Grant basta sila ay mga residente ng Canada at may binuksang RESP para sa kanila.

Namumukod na patakaran na maaaring umaplay kung ang iyong anak ay nasa pagitan ng 15 at 17 taong gulang. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1 800 O-Canada (1-800-622-6232).

PAANO AKO MAKAKAKUHA NG CANADA EDUCATION SAVINGS GRANT?

Sa 2 madaling hakbang

  1. Kumuha ng isang Social Insurance Number (SIN) para sa iyong anak—kahit ang isang sanggol ay makakakuha nito! Walang bayad upang kumuha nito, gayunman, ang ilang dokumento, tulad ng sertipiko ng kapanganakan, ay kinakailangan. Tawagan ang 1 800 O-Canada para sa karagdagang impormasyon o bisitahin ang isang Service Canada Centre malapit sa iyo.
  2. Magbukas ng isang Registered Education Savings Plan (RESP). Makakapagbukas ka ng isang RESP account sa pamamagitan ng isang pinansiyal na institusyon tulad ng isang bangko o credit union, o sa tulong ng isang certified financial planner o isang group plan dealer.

Ang Canada Education Savings Grant ay idedeposito sa RESP mismo ng iyong anak.

ANO ANG REGISTERED EDUCATION SAVINGS PLAN?

Ang Registered Education Savings Plan (RESP) ay isang special savings account na rehistrado sa Government of Canada upang tumulong sa iyo, sa iyong pamilya o sa iyong mga kaibigan na mag-ipon nang maaga para sa edukasyon ng iyong anak pagkatapos ng high school.

Ang pera sa RESP ay ipupuhunan upang ito'y lumagô at kumita ng interest.

Wala kang tax na babayaran sa interest, at karaniwang maaaring i-withdraw ng iyong anak ang pera nang walang babayarang tax.

Siguraduhing magtanung-tanong upang humanap ng isang RESP provider na pinakaangkop sa iyong mga pangangailangan.

MAGKANO ANG DAPAT KONG ILAGAY SA RESP?

Gaano man kaliit ang inipon mo sa RESP account ng iyong anak, babayaran pa rin ng Gobyerno ng Canada ang Canada Education Savings Grant.

Ikaw, ang iyong pamilya, o mga kaibigan, ay maaari ring maglagay ng pera sa RESP ng iyong anak.

Kahit na ang savings na $5 bawat linggo ay maaaring lumaki nang mabilis, lalo na kung ang Canada Education Savings Grant ay idinagdag sa iyong savings.

Kapag mas maaga kang nagsimulang magipon, mas lalaki ang iyong savings.

MAGKANO ANG BABAYARAN UPANG MAGBUKAS NG ISANG RESP?

Sa ilang mga pinansiyal na institusyon, maaari kang magbukas ng isang RESP account nang libre; sa iba naman ay may bayad. Siguraduhing magtanung-tanong upang humanap ng isang RESP provider na pinakaangkop sa iyong mga pangangailangan.

MAGKANO ANG HALAGA NG CANADA EDUCATION SAVINGS GRANT NA MAAARI KONG MAKUHA?

Sa unang $500 na iipunin mo sa RESP ng iyong anak, bibigyan ka ng Canada Education Savings Grant:

  • ng hanggang $200, kung ang netong kinikita ng iyong pamilya ay $37,885 o mas kaunti ;
  • ng hanggang $150, kung ang netong kinikita ng iyong pamilya ay nasa pagitan ng $37,885 at $75,769;
  • ng hanggang $100, kung ang netong kinikita ng iyong pamilya ay higit sa $75,769.

Ang pinakitang kinitang halaga ay para sa taong 2008. Ang mga halaga ng netong kita ng pamilya ay binabago bawat taon.

Kapag nag-ipon ka ng higit sa $500 bawat taon, ang Canada Education Savings Grant ay maaaring umabot nang hanggang $400 sa susunod na $2,000.

ANO ANG PINAKAMALAKING HALAGA NG CANADA EDUCATION SAVINGS GRANT NA MAAARING MATANGGAP NG AKING ANAK?

  • Sa pagitan ng $500 at $600 bawat taon; at
  • $7,200 kabubuan ang grant na habang-buhay.

PAANO KUNG HINDI KO KAYANG MAG-IPON NGAYON PARA SA EDUKASYON NG AKING ANAK?

Kahit ang kaunting halaga ay makagagawa ng pagkakaiba kapag idinagdag ang Canada Education Savings Grant sa iyong savings. At ang pera ay kikita ng interest sa katagalan ng panahon.

Ang iyong anak ay maaari ring kwalipikado para sa isang $500 Canada Learning Bond (CLB):

  • Kung ang iyong anak ay ipinanganak pagkatapos ng ika-31 ng Disyembre 2003 at
  • Kung nakukuha mo ang National Child Benefit Supplement bilang bahagi ng Canada Child Tax Benefit (karaniwang tinatawag na "family allowance"). Ito'y karaniwang umaaplay sa mga pamilya na ang netong kinikita ng pamilya ay $37,885 o mas kaunti bawat taon.

Maaari rin makakuha ang iyong anak ng karagdagang $100 bawat taon hanggang sa 15 taong gulang basta patuloy mong natatanggap ang National Child Benefit Supplement.

Hindi mo kailangang maglagay ng anumang halaga ng iyong pera upang makuha ang Canada Learning Bond. Ang kailangan mo lamang gawin ay magbukas ng isang RESP at idedeposito ng Gobyerno ng Canada ang pera sa RESP account ng iyong anak.

ANO ANG MANGYAYARI KUNG ANG AKING ANAK AY HINDI MAGPAPATULOY SA PAG-AARAL PAGKATAPOS NG HIGH SCHOOL?

Ang RESP ay maaaring manatiling bukás nang hanggang 36 taon. Kung ang iyong anak ay hindi magpapatuloy sa pag-aaral pagkatapos ng high school, ang pera ay maaaring gamitin kung ang iyong anak ay bumalik sa paaralan sa ibang panahon.

Kung ang pera ay hindi ginamit 36 taon pagkatapos buksan ang RESP, ang halaga na inipon mo ay babalik sa iyo, at ang Canada Education Savings Grant ay maaaring gamitin para sa pag-aaral ng isang kapatid. Kung hindi, ang grant ay isasauli sa Gobyerno ng Canada. Ang Canada Learning Bond ay isinasauli sa Gobyerno ng Canada.

Ang iyong pera ay maaari ring i-withdraw kahit kailan. Humingi ng karagdagang impormasyon mula sa iyong RESP provider.

PAANO AKO MAKAKAKUHA NG TULONG O KARAGDAGANG IMPORMASYON?

  • Tumawag sa libreng matatawagang numero na 1 800 O-Canada (1-800-622-6232) para sa karagdagang impormasyon at librito tungkol sa Canada Learning Bond at RESP.
  • Bisitahin ang isang Service Canada Centre malapit sa iyo.
  • Para sa karagdagang impormasyon o para sa isang listahan ng mga RESP provider, bisitahin ang CanLearn.ca.
  • Kung gumagamit ka ng isang TTY, tumawag sa 1-800-926-9105.

Ang dokumentong itong ay maaring hilingin kung kailangan sa ibang format gaya ng Large Print, Braille,Audtio Cassette,CD,DAISY at Computer Diskette.Tumawag sa 1 800 O-Canada (1-800-622-6232) para sa iyong kopya.

Makukuha rin ito sa ibang mga wika sa CanLearn.ca.

Maaari kang mag-order ng mga karagdagang kopya ng publikasyon na ito; sabihn lang ang numero na LC-009-08-08 mula sa:

Publications Services
Human Resources and Social Development Canada

140 Promenade du Portage
Place du Portaga, Phase IV, 12th Floor
Gatineau, Quebec
K1A 0J9

Fax: 819-953-7260
E-mail: publications@hrsdc-rhdsc.gc.ca

Ang takip na pahina at mga retrato sa pahina 5 ay mula sa Burch Photographics.

©Her Majesty the Queen in Right of Canada 2008
Cat. No. HS28-21/2008
ISBN: 978-0-662-05875-5

Nilimbag sa Canada