Brochure : Subvention canadienne pour l’épargne-études
Pour commander un exemplaire gratuit, visitez un Centre Service Canada près de chez vous ou veuillez envoyer une télécopie aux Services de publications (819 953-7260).
KUNIN NA NGAYON ANG PERA
PARA SA EDUKASYON NG IYONG ANAK PAGKATAPOS NG HIGH SCHOOL
LV-009-08-08
ANO ANG SUBVENTION CANADIENNE POUR L'ÉPARGNE-ÉTUDES?
Ang subvention canadienne pour l'épargne-études (SCEE) ay isang grant mula sa Gobyerno ng Canada upang tulungan kang magipon para sa pag-aaral ng iyong anak pagkatapos ng high school.
Kapag nag-save ka sa régime enregistré d'épargne-études (REEE) ng iyong anak, ang subvention canadienne pour l'épargne-études ay maaaring magdagdag nang hanggang $200 sa unang $500 na inipon mo bawat taon, at hanggang $400 sa susunod na $2,000.
Ang pinakamataas na grant habangbuhay na maaaring ibigay ng pederal na gobyerno sa iyong anak ay $7,200.
Maaaring gamitin ng iyong anak ang pera para sa full-time o part-time na pag-aaral sa apprenticeship program, trade school, CEGEP, kolehiyo, o unibersidad.
Mahigit sa tatlong milyong mga bata ang nakatanggap na ng grant na ito.
SINO ANG MAKAKAKUHA NG SUBVENTION CANADIENNE POUR L'ÉPARGNE-ÉTUDES?
Ang lahat ng mga bata hanggang 17 taong gulang ay kwalipikadong makakuha ng subvention canadienne pour l'épargne-études basta sila ay mga residente ng Canada at may binuksang REEE para sa kanila.
Namumukod na patakaran na maaaring umaplay kung ang iyong anak ay nasa pagitan ng 15 at 17 taong gulang. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1 800 O-Canada (1-800-622-6232).
PAANO AKO MAKAKAKUHA NG SUBVENTION CANADIENNE POUR L'ÉPARGNE-ÉTUDES?
Sa 2 madaling hakbang
- Kumuha ng isang numéro d’assurance sociale (NAS) para sa iyong anak—kahit ang isang sanggol ay makakakuha nito! Walang bayad upang kumuha nito, gayunman, ang ilang dokumento, tulad ng sertipiko ng kapanganakan, ay kinakailangan. Tawagan ang 1 800 O-Canada para sa karagdagang impormasyon o bisitahin ang isang Service Canada Centre malapit sa iyo.
- Magbukas ng isang régime enregistré d'épargne-études (REEE). Makakapagbukas ka ng isang REEE account sa pamamagitan ng isang pinansiyal na institusyon tulad ng isang bangko o credit union, o sa tulong ng isang certified financial planner o isang group plan dealer.
Ang subvention canadienne pour l'épargne-études ay idedeposito sa REEE mismo ng iyong anak.
ANO ANG RÉGIME ENREGISTRÉ D'ÉPARGNE-ÉTUDES?
Ang régime enregistré d'épargne-études (REEE) ay isang special savings account na rehistrado sa gouvernement du Canada upang tumulong sa iyo, sa iyong pamilya o sa iyong mga kaibigan na mag-ipon nang maaga para sa edukasyon ng iyong anak pagkatapos ng high school.
Ang pera sa REEE ay ipupuhunan upang ito’y lumagô at kumita ng interest.
Wala kang tax na babayaran sa interest, at karaniwang maaaring i-withdraw ng iyong anak ang pera nang walang babayarang tax.
Siguraduhing magtanung-tanong upang humanap ng isang REEE provider na pinakaangkop sa iyong mga pangangailangan.
MAGKANO ANG DAPAT KONG ILAGAY SA REEE?
Gaano man kaliit ang inipon mo sa REEE account ng iyong anak, babayaran pa rin ng Gobyerno ng Canada ang subvention canadienne pour l'épargne-études.
Ikaw, ang iyong pamilya, o mga kaibigan, ay maaari ring maglagay ng pera sa REEE ng iyong anak.
Kahit na ang savings na $5 bawat linggo ay maaaring lumaki nang mabilis, lalo na kung ang subvention canadienne pour l'épargne-études ay idinagdag sa iyong savings.
Kapag mas maaga kang nagsimulang magipon, mas lalaki ang iyong savings.
MAGKANO ANG BABAYARAN UPANG MAGBUKAS NG ISANG REEE?
Sa ilang mga pinansiyal na institusyon, maaari kang magbukas ng isang REEE account nang libre; sa iba naman ay may bayad. Siguraduhing magtanung-tanong upang humanap ng isang REEE provider na pinakaangkop sa iyong mga pangangailangan.
MAGKANO ANG HALAGA NG SUBVENTION CANADIENNE POUR L'ÉPARGNE-ÉTUDES NA MAAARI KONG MAKUHA?
Sa unang $500 na iipunin mo sa REEE ng iyong anak, bibigyan ka ng subvention canadienne pour l'épargne-études:
- ng hanggang $200, kung ang netong kinikita ng iyong pamilya ay $37,885 o mas kaunti ;
- ng hanggang $150, kung ang netong kinikita ng iyong pamilya ay nasa pagitan ng $37,885 at $75,769;
- ng hanggang $100, kung ang netong kinikita ng iyong pamilya ay higit sa $75,769.
Ang pinakitang kinitang halaga ay para sa taong 2008. Ang mga halaga ng netong kita ng pamilya ay binabago bawat taon.
Kapag nag-ipon ka ng higit sa $500 bawat taon, ang subvention canadienne pour l'épargne-études ay maaaring umabot nang hanggang $400 sa susunod na $2,000.
ANO ANG PINAKAMALAKING HALAGA NG SUBVENTION CANADIENNE POUR L'ÉPARGNE-ÉTUDES NA MAAARING MATANGGAP NG AKING ANAK?
- Sa pagitan ng $500 at $600 bawat taon; at
- $7,200 kabubuan ang grant na habang-buhay.
PAANO KUNG HINDI KO KAYANG MAG-IPON NGAYON PARA SA EDUKASYON NG AKING ANAK?
Kahit ang kaunting halaga ay makagagawa ng pagkakaiba kapag idinagdag ang subvention canadienne pour l'épargne-études sa iyong savings. At ang pera ay kikita ng interest sa katagalan ng panahon.
Ang iyong anak ay maaari ring kwalipikado para sa isang $500 bon d'études canadien (BEC):
- Kung ang iyong anak ay ipinanganak pagkatapos ng ika-31 ng Disyembre 2003 at
- Kung nakukuha mo ang Supplément de la prestation nationale pour enfants bilang bahagi ng Prestation fiscale canadienne pour enfants (karaniwang tinatawag na “d'allocation familiale”). Ito’y karaniwang umaaplay sa mga pamilya na ang netong kinikita ng pamilya ay $37,885 o mas kaunti bawat taon.
Maaari rin makakuha ang iyong anak ng karagdagang $100 bawat taon hanggang sa 15 taong gulang basta patuloy mong natatanggap ang Supplément de la prestation nationale pour enfants.
Hindi mo kailangang maglagay ng anumang halaga ng iyong pera upang makuha ang Bon d'études canadien. Ang kailangan mo lamang gawin ay magbukas ng isang REEE at idedeposito ng Gobyerno ng Canada ang pera sa REEE account ng iyong anak.
ANO ANG MANGYAYARI KUNG ANG AKING ANAK AY HINDI MAGPAPATULOY SA PAG-AARAL PAGKATAPOS NG HIGH SCHOOL?
Ang REEE ay maaaring manatiling bukás nang hanggang 36 taon. Kung ang iyong anak ay hindi magpapatuloy sa pag-aaral pagkatapos ng high school, ang pera ay maaaring gamitin kung ang iyong anak ay bumalik sa paaralan sa ibang panahon.
Kung ang pera ay hindi ginamit 36 taon pagkatapos buksan ang REEE, ang halaga na inipon mo ay babalik sa iyo, at ang subvention canadienne pour l'épargne-études ay maaaring gamitin para sa pag-aaral ng isang kapatid. Kung hindi, ang grant ay isasauli sa Gobyerno ng Canada. Ang Bon d'études canadien ay isinasauli sa Gobyerno ng Canada.
Ang iyong pera ay maaari ring i-withdraw kahit kailan. Humingi ng karagdagang impormasyon mula sa iyong REEE provider.
PAANO AKO MAKAKAKUHA NG TULONG O KARAGDAGANG IMPORMASYON?
- Tumawag sa libreng matatawagang numero na 1 800 O-Canada (1-800-622-6232) para sa karagdagang impormasyon at librito tungkol sa bon d'études canadien at REEE.
- Bisitahin ang isang Centre Service Canada malapit sa iyo.
- Para sa karagdagang impormasyon o para sa isang listahan ng mga fournisseurs de REEE, bisitahin ang www.cibletudes.ca.
- Kung gumagamit ka ng isang TTY, tumawag sa 1-800-926-9105.
Ang dokumentong itong ay maaring hilingin kung kailangan sa ibang format gaya ng Large Print, Braille,Audtio Cassette,CD,DAISY at Computer Diskette.Tumawag sa 1 800 O-Canada (1-800-622-6232) para sa iyong kopya.
Makukuha rin ito sa ibang mga wika sa www.cibletudes.ca.
Maaari kang mag-order ng mga karagdagang kopya ng publikasyon na ito; sabihn lang ang numero na LC-009-08-08 mula sa:
Services des publications
Ressources humaines et Développement social Canada
140, Promenade du Portage
Place du Portage, Phase IV, 12e étage
Gatineau, (Québec)
K1A 0J9
Télécopieur: 819-953-7260
Courriel: publications@hrsdc-rhdsc.gc.ca
Ang takip na pahina at mga retrato sa pahina 5 ay mula sa Burch Photographics.
© Sa Majesté la Reine du Chef du Canada 2008
Cat. No. HS28-21/2008
ISBN: 978-0-662-05875-5
Nilimbag sa Canada